ALLACAPAN, Cagayan -- Nalunod ang isang 7-anyos na grade 2 student matapos sumama sa isang grupo para kumuha ng tulya sa sapa sa Brgy. Burot.

Kinilala ang bata na si Aldrich, residente ng Brgy. Dagupan, Allacapan, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay kasama nina Christopher Guillermo, 36; Cedric Xion Tabal, 7; Hycee James Guillermo, 11; at Joselito Tulao, 30, para kumuha ng bennek o tulya sa sapa noong Huwebes, Nobyembre 10, ngunit naiulat ang insidete sa pulisya noong Nobyembre 11.

Habang kumukuha ng tulya, nawala na lamang ang biktima at hindi umano ito marunong lumangoy.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bandang 2:50 ng hapon noong Huwebes nang matagpuan ng mga rescuer ang bangkay ng biktima at agad na isinugod sa Rural Health Unit ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician na si Dr. Lea Morena V. Donton.