MABALACAT CITY, Pampanga -- Timbog ang 15 drug suspects sa kanilang hot pot session sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Dau ng bayang ito nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 10.

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga indibidwal na sina John Albert Evangelista, 36; Rolando Bituin, 53; Sherwin Elilio, 30; Jose Peñaranda III, 55; Queruben Bagsic, 39; Rudy Sevilla, 21; Bryan Macacado, 24; Noel Cadiang, 49; June Cadiang, 46; Ryan Torres, 31; Regina Deocaresa, 44; Mary Lanlet Joanne Evangelista, 33; Larlyn Jalino, 21; Alma Floren Condia, 38; at Yvonne Pantilo, 28.

Nakumpiska sa mga suspek ang walong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi bababa sa 13 gramo at nagkakahalagang P88,700, samu't saring drug paraphernalia, at marked money na ginamit ng undercover agent.

Ang joint operation ay pinangunahan ng PDEA Region III kasama ang Mabalacat City Police.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang mga nahuling suspek.