Patay ang isang pulis matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang poste ng kuryente na nakaharang sa gitna ng kalsada sa Sta. Fe, Leyte nitong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si Staff Sergeant Gary Cabujo dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan.

Sa police report, patungo na sana sa duty sa regional police office sa Palo, Leyte si Cabujo nang maaksidente sa national highway sa Barangay Pilit, Sta. Fe, dakong 8:00 ng gabi.

Sinabi ng pulisya, matapos sumalpok sa poste si Cabujo, nalaglag pa ito sa creek.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Binanggit ng pulisya, marami na ang naghain ng reklamo kaugnay ng hindi tinatanggal na mga poste ng kuryente matapos isailalim sa road-widening project.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

PNA