Tuluyan na ngang napatawan ng indefinite suspension sa paglalaro sa National Collegiate Athletic Association o NCAA Season 98 ang isa sa mga basketball player ng Jose Rizal University Heavy Bombers na si John Amores, matapos ang insidente ng panunugod at pananapak niya sa dalawang teammates ng kalabang College of St. Benilde-Blazers noong Martes, Nobyembre 8.

Kitang-kita sa mga kumakalat na video na nasuntok ni Amores sa mata si Pasturan habang nakatikim naman sa kaniyang panga si Davis, na naging dahilan upang mahilo ito sa ilang minuto. Kaagad naman inilabas sa court si Amores at inawat na ito ng marshals.

Agad na dinala sa ospital at ipinasailalim sa physical examination sina Pasturan at Davis ng College of St. Benilde upang masuri kung may iba pang concern o impact sa naging pag-atake ni Amores.

Salaysay ni Davis sa panayam, aawatin lamang sana niya si Amores subalit nangyari na nga ang pananapak. Tinangka lamang daw niyang protektahan ang kaniyang teammates, at sa totoo lamang daw, hindi niya alam kung ano na ba ang nangyayari.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

“I was just trying to break it up and next thing you know, I didn’t see where it was coming from but I got hit right in the chin,” ani Davis.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/09/basketball-mistulang-nauwi-sa-boksing-dahil-kay-john-amores/

Matapos ang pagpupulong at deliberasyon nitong Miyerkules, Nobyembre 9, pormal nang naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng NCAA.

"Violence has no place in the NCAA," pahayag ng NCAA Management Committee.

"The ManCom condemns, and will not tolerate, any acts of violence that will endanger our athletes, participants, officials, supporters, and the public."

Bukod sa NCAA, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng JRU, ang mismong paaralang pinapasukan ni Amores.

"The University has therefore decided that Mr. John Anthony Walker Amores will be suspended indefinitely. This means that he will not play for the remainder of the NCAA Season 98 basketball games of the Heavy Bombers nor participate in team practices," anila.

Iba pa raw ang kanilang desisyon sa desisyon naman ng NCAA tungkol sa isyu.

Larawan mula sa FB page ng JRU

Hindi ito ang unang beses na nanapak si Amores. Bago ang insidenteng ito, napatikim niya ng kamao si Mark Gil Belmonte ng koponan ng University of the Philippines.