Mapapakinggan na bukas, Nobyembre 11, ang pinakabagong Christmas Station ID ng ABS-CBN na taon-taong inaabangan ng mga solid Kapamilya.

Pinamagatang “Tayo ang Ligaya ng Isa’t-isa” ang nasabing CSID na may temang pasasalamat, ayon mismo sa kompositor nito na si Jonathan Manalo.

Tampok sa recording video ang mga pinaka-malalaking singers ng Kapamilya network na pinangungunahan ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Martin Nievera, Sharon Cuneta, KZ Tandingan, Angeline Quinto, Anne Curtis, Chito Miranda, Darren Espanto, Jolina Magdangal, Klarisse de Guzman, Anji Salvacion, at Khimo Gumatay.

Present din sila Jane de Leon, Janella Salvador, AC Bonifacio, Kyle Echarri, at Andrea Brillantes, gayundin ang mga pinaka maningning na love teams ng istasyon gaya ng tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin o “FranSeth,” KD Estrada at Alexa Ilacad o “KDLex,” Donny Pangilinan at Belle Mariano o “DonBelle,” at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o “KathNiel.”

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Mapapanood din ang mga bigating bosses na sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN Ceo and President Carlo Katigbak, at ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes sa recording session ng kanilang sariling Christmas Station I.D.

Nakatakdang ipalabas ang “Tayo ang Ligaya ng Isa’t-Isa” recording video pagkatapos ng pag-ere ng TV Patrol bukas ng gabi.