Napaluwa ang mata ng maraming masugid na followers ng online personality at negosyanteng si Xin Gaza matapos rekta nitong ipagyabang sa netizens ang kasalukuyang nasa mahigit P463 million na net worth.

Kung ang ilang milyonaryo ay karaniwang nagbabahagi ng yaman para mag-inspire, iba ang trip ng online personality.

“Posting this not to inspire but to brag. Para maramdaman ng mga haters ko kung gaano sila kahirap. Haha. Buti na lang wala akong asawa, walang kahati,” mababasa sa Facebook post nito, Martes.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Kalakip ng post ang detalyadong breakdown ng kaniyang assets na may kabuuang halaga na P501,704,700 at kabuuang liabilities na sa P38,125,308.

Sa kabuuang P463,579,392 na asset ngayong Nobyembre, target naman ni Xian na maabot ang billion-mark na net worth at ang debt-free goal sa susunod na taon.

Kilala bilang kontrobersyal na personalidad online, hindi rin lingid sa marami ang kaliwa’t kanang negosyo at investment ni Xian sa Dubai, Thailand, bukod sa iba pa.

Mababakas din ang madalas na mga tip ng Pinoy millionaire sa mga aspiring entrepreneurs, lalo na sa mga kabataang negosyante.

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 51,000 reactions at halos 6,000 shares ang naturang post ni Xian.