Inihayag ng social media personality at kontrobersiyal na si Valentine Rosales na gusto niyang gumanap bilang “Black Darna” sa fantasy series na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Nagkomento si Valentine sa mismong comment section ng Balita Online kung saan napaulat ang season 2 ng Darna.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Sali naman ako jan as Black Darna," aniya.

Screengrab mula sa FB page ng Balita Online

Sa isang eksklusibong panayam ng Balita Online, inamin nitong fan siya at isa mga sumusubaybay sa adventures ng Pinay superhero.

“Fan ako ng Darna! Pangarap ko maging villain ng Darna kasi unique mga skills nila and lagi may touch of Filipino society ang eksena nila, sana magkaroon ng kontrabida na parang marites yung nakaka mind read tas sasabotahin niya si Darna, gagawan niya mga chismis, ganun,” saad ni Rosales.

Nang tanungin naman siya tungkol sa komento niya sa ulat ng Balita Online na nais niya maging “Black Darna” ito ang naging kaniyang sagot:

“Bet ko maging Black Darna kasi di na niya kailangan lumunok ng bato para maging Darna, built-in na yung lakas at skills niya.”

Matatandaang huling ginampanan ng aktres na si Katrina Halili ang role na “Black Darna” sa pag-ere nito noong 2005 sa GMA Network.

Katrina Halili bilang "Black Darna" (Larawan mula sa Twitter)

Ayon kay Rosales, kapana-panabik ang mga susunod na eksena sa teleserye lalo pa’t magsisimula na ang season 2 nito sa susunod na linggo.

“Inaabangan ko sa Darna yung mga villains and I heard idadagdag si Enchong sa Darna kaya mas exciting,” dagdag niya.

Sa huli, pinuri ni Rosales ang pagganap ni Jane de Leon bilang Darna.

“Napakagaling din umarte ni Jane de Leon, bagay na bagay sa kaniya yung Darna! She’s the perfect choice!”