Naging usap-usapan ang makahulugang pasaring ng aktor na si Romnick Sarmenta na ibinahagi niya sa kaniyang Twitter account nitong Nobyembre 7.

Sa pamamagitan ng kaniyang sulat-kamay na tula na isinulat sa paraang "calligraphy", ang tula ni Romnick ay patungkol sa isang "clown" o payaso na nakapasok sa palasyo.

"When a clown enters a palace, he doesn't become a king; The palace becomes a circus," saad ni Sarmenta.

"There's a fine line between that which pleases and that which is beneficial… and it's called discernment."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"I have been many things to different people, and the only difference I see, is who they are to me," saad pa ni Romnick.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/08/romnick-sarmenta-may-patutsada-sa-payasong-nasa-palasyo/">https://balita.net.ph/2022/11/08/romnick-sarmenta-may-patutsada-sa-payasong-nasa-palasyo/

Naniniwala naman ang mga netizen na may himig-politikal ang patutsada ni Romnick sapagkat hindi ito ang unang beses na nagpahayag siya ng mga ganitong cryptic post. Isa si Romnick sa celebrities na walang takot na nagpapahayag ng kaniyang saloobin hinggil sa mga usapin o isyung panlipunan at pampulitika sa kasalukuyan.

Nagpahayag ng pagsuporta si Romnick sa kandidatura ni dating Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagkapangulo noong nagdaang halalan. Ang nagwagi ay si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Sa isa pang tweet, sinabi ni Romnick na natatawa na lamang siya sa mga taong nagsasabing "irrelevant" siya.

"I find it funny that people keep saying I have become irrelevant, and then watch out for every post. Then they repost and talk about me," ani Romnick sa kaniyang tweet nitong Martes, Nobyembre 8.

"Common sense isn't common I guess," aniya pa.

https://twitter.com/Relampago1972/status/1589895123370127361

Kasalukuyang napapanood si Romnick sa hit teleseryeng "2 Good 2 Be True" sa ABS-CBN.