Dumating na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Phnom Penh, Cambodia nitong Miyerkules ng gabi upang dumalo sa 40th, 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits.

Dakong 7:43 ng gabi nang lumapag sa Phnom Penh International Airport ang Philippine Airlines flight PR001 sakay si Marcos.

Kabilang si Marcos sa mga lider ng ASEAN member states na dadalo sa apat na araw na summit na magsisimula sa Nobyembre 10-13 kung saan inaasahang tatalakayin ang kasalukuyang political, security, economic, at socio-cultural developments, gayundin ang mga pandaigdigang usaping nakakaapekto sa Southeast Asia.

Kasama rin sa pagpupulong ang mga lider ng bansang Australia, Canada, China, Japan, India, Republic of Korea at United States.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol