Nilindol na naman ang bahagi ng Dalupiri Island sa Cagayan nitong Lunes ng hapon.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 1:43 ng hapon nang tumama ang pagyanig sa isla.

Umabot sa 54 kilometro ang nilikhang lalim ng pagyanig na dulot ng tectonic.

Naramdaman naman ang Intensity III sa Luna, Apayao at Pasuquin sa Ilocos Norte.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Naitala naman ang Intensity II sa Lal-lo, Buguey, Lasam at Peñablanca sa Cagayan.

Walang inaasahang pinsala at aftershocks ng pagyanig.

Sa rekord ng Phivolcs, niyanig ng 5.1-magnitude ang isla noong Mayo 17, 2022.