May 21, 2026

Home BALITA

'Waste no time!' Rep. De Lima, tumalak sa pagkaaresto ni Zaldy Co

'Waste no time!' Rep. De Lima, tumalak sa pagkaaresto ni Zaldy Co
Photo courtesy: via MB

Iginiit ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima na dapat nang pagsabay-sabayin ang imbestigasyon, kasunod ng pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co sa Czech Republic.

MAKI-BALITA:  Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM 

Sa kaniyang social post nitong Abril 17, 2026, tahasan niyang iginiit na wala na raw dapat aksayahing oras ang pamahalaan para mapa-deport na sa Pilipinas si Co.

"With the arrest of Zaldy Co, the Philippine government should waste no time in fast-tracking his deportation," saad ni De Lima.

Saad pa niya, dapat na ring harapin ni Co ang mga kasong iniuugnay sa kaniya hinggil sa maanomalyang flood control projects at budget insertions sa nasabing proyekto.

‘Ang healthcare ay hindi lang propesyon!’ 2 nurse, tinulungan manganak isang ginang sa kalsada

"Dapat harapin na nya ang mga kaso laban sa kanya, panumpaan nya sa tamang forum yung mga alegasyon nya, at isiwalat sa mga imbestigasyon ang lahat-lahat ng mga nalalaman n’ya maging mga ebidensyang meron sya ukol sa maanomalyang flood control projects," anang mambabatas.

Inihalintulad din ni De Lima ang impeachment kaugnay ng panawagan niyang agarang imbestigasyon at pagkilos sa pagbabalik ni Co sa bansa.

"Pagsabay-sabayin natin ang imbestigasyon sa mga alegasyon na kinasasangkutan nya. Dahil tulad sa impeachment, hindi dapat itengga ang paghahanap ng katotohanan hanggang #ManagotLahatNgKurakot," saad ni De Lima.

Samantala, hinggil naman sa pagbabalik ni Co sa Pilipinas, nilinaw naman ni Department of the Interior and Local Govern (DILG) Sec. Jonvic Remulla, na aabutin pa ng isa hanggang tatlong linggo bago tuluyang mailipad pabalik ng bansa ang dating mambabatas.

“Siguro in one week or as long as three weeks depende sa DFA. Sila talaga ang lead dito, hindi naman ako, e. Coordination lang ako,” ‘ika niya. 

Ayon pa kay Remulla, siya raw nakatakdang umaresto kay Co kapag dumating na ito sa bansa at dadalahin niya ang huli sa kustodiya ng Sandiganbayan. 

“Pagdating dito, ako ang arresting officer at ako ang magdadala sa kaniya sa custody ng Sandiganbayan kasi indicted na siya, e,” dadag ng kalihim.

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, 1-3 linggo bago makabalik sa Pinas—SILG Remulla