Nakatakda nang ipamahagi ng gobyerno ang fertilizer discount vouchers upang matiyak na makabili ng sapat na pataba ang mga magsasaka.

Sa pahayag ng Malacañang, naglabas na ng memorandum ang Department of Agriculture (DA) para sa panuntunan hinggil sa implementasyon ng fertilizer discount voucher project sa ilalim ng National Rice Program.

Saklaw ng fertilizer discount voucher ang mga rehiyon na nagtatanim ng inbred at hybrid rice seeds, maliban na lang sa Metro Manila at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Layunin ng fertilizer voucher na mapagaan ang gastusin ng mga magsasaka sa paggamit ng patabang urea sa kanilang palay production at matiyak ang seguridad sa pagkain.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“The DA shall provide fertilizer vouchers to eligible beneficiaries which will be used in acquiring urea fertilizers. The use of fertilizer vouchers offers an alternative to farmers with lower purchasing power to buy a sufficient volume of urea recommended for their rice area,” ayon sa memorandum.

Sa naturang programa, makatatanggap ng₱1,131 kada ektarya ang bawat magsasakang nagtatanim ng inbred habang₱2,262 naman ang matatanggap ng bawat magsasaka na nagtatanim ng hybrid.

PNA