Kabogera naman kasi ang latest photoshoot ni Bianca Umali para mapansin din ni Vice Ganda!

Sa kaniyang Instagram kamakailan, standout ang ganda ng Kapuso actress sa magazine-level na photoshoot.

Litaw na litaw ang facial features ni Bianca sa classy at vintage shots na peg ng kaniyang creative team.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kabilang sa nalula sa effortless na alindog ng aktres siyempre ang boyfriend nito na si Kapuso actor Ruru Madrid.

Maging ang kapwa Kapuso star na si Carla Abellana ay na-inlove din sa kadyosahan ng young star.

Hindi naman inasahan ng netizens ang pambihirang interaction nina Unkabogable star Vice Ganda at Bianca sa IG.

Sa parehong mga larawan, napadpad si Meme sa isang IG post ni Bianca.

“Ganda,” malimit na positibong komento ni Vice sa kabogerang photos ng Kapuso star.

“Mana lang sayo, Mama Vice!” pagbalik naman ng puri ni Bianca sa Kapamilya star.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 14,000 likes na ang inani ng nasabing Instagram post ni Bianca.