Inalala ng 'Eat Bulaga' host na si Joey de Leon ang yumaong miyembro ng APO Hiking Society na si Danny Javier. 

Sa isang Instagram post, inupload ni Joey ang isang larawan kasama niya sina Tito Sotto, Vic Sotto, at ang APO Hiking Society. Ito raw ang kauna-unahang pagsasama nila ng APO sa isang TV show noong dekada '70.

"Ang larawang ito ay nasa aklat na 'Unang Tatlong Dekada' ng Eat Bulaga. Magkakasama kami ng APO sa aming kauna-unahang TV Show noong early 70s, 'Okay Lan'” sa TV 13, a musical gag show," anang TV host nitong Huwebes, Nobyembre 3.

Inalala rin ni Joey ang paglalaro nila ng poker at may utang pa raw siyang P500 kay Boboy Garovillo, isa rin sa miyembro ng APO.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"We played Poker minus Jim. May utang pa nga akong 500 pesos kay Boboy hanggang ngayon! We did “Jesus Christ Superstar” on TV," aniya.

Biro naman ng henyo master, "kung baga sa Poker, out ka na muna Danny. Next deal ka na lang pare! Rest in peace sounds like BETS PLEASE!"

Pumanaw sa edad na 75-anyos si Danny noong Oktubre 31 dahil sa komplikasyon.