Pinaalalahanan ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na huwag bumili ngsubstandard na Christmas lights dahil delikado ang mga ito.

Katwiran ng DTI, may ilang negosyante ang namemeke ng mga sticker at logo ng ahensya upang makabenta ng mga Christmas lights.

Sinabi ng DTI, dapat suriing mabuti ang logo, gayundin ang mga safety seal ng mga binibiling palamuti sa Pasko.

Hinimok din nila ang publiko na agad isumbong o ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang sinumang namemeke ng logo upang maaresto at makasuhan.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Babala pa ng ahensya, madaling masunog ang mga substandard na Christmas light na posibleng magdulot ng malaking sunog at pagkaabong mga ari-arian.