Matapos ang apat na taong-relasyon, mauuwi rin sa kasalan ang pag-iibigan nina Robi Domingo at kaniyang long-time girlfriend na si Maiqui Pineda.

Sa ulat ni MJ Felipe, naganap ang intimate proposal ng Kapamilya host sa kilalang Shibuya crossing sa Tokyo, Japan nitong Biyernes. Tumugon naman ng kaniyang matamis na "Oo," si Maiqui, dagdag ng ulat.

Kasalukuyang nagbabakasyon ang dalawa sa Japan kasama ang malalapit na kaibigan sa showbiz.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa sikat na bansa rin idinaos nina Robi at Maiqui ang tradisyunal na Halloween celebration.

Noong Mayo 2021 nang unang mabanggit ng Kapamilya host ang tungkol sa future plans nila ng kaniyang girlfriend.

"We've been talking about it for some quiet time now. Lalong-lalo na we are not getting any younger and 'yun naman na 'yung inaayos ko ngayon. In the coming years, you would be one of the first people who would know kung I would be bending the knee. I am so excited for that one," pagbabahagi ni Robi noon sa kaniyang pilot guesting sa TGIS, isang YouTube segment ni Kapamilya star Kathryn Bernardo.

“Ang paniniwala ko: love is serendipitous. Kapag dumating 'yung tamang tao sa tamang panahon, for me 'yon ang perfect love. Kasi pwedeng dumating 'yung tamang tao, pero marami ka pang kagustuhan before or iba 'yung priorities mo, responsibilities mo. May mga gusto ka pang maabot sa sarili mo lang. That's okay. Tapos may dumarating din na pagkakataon pero hindi naman siya 'yung perfect na tao, 'yung tamang tao para sa iyo,” dagdag niya noon.

"So kapag naghalo na 'yung dalawang konsepto na 'yon [tamang panahon] at right person, then I think 'yun na 'yon. And I guess 'yun ang mayroon sa amin.”