Kahit dalawang puntos lang ang naging ambag ni 7'2" center Kai Sotto, nanalo naman ang koponan nitong Adelaide 36ers laban sa Illawarra Hawks, 96-80, sa pagpapatuloy ng National Basketball League sa WIN Entertainment Centre nitong Huwebes.

Bukod dito, naka-5 rebounds, dalawang assists at dalawang blocks si Sotto sa 15 minutong paglalaro.

Nasa 3-3, panalo at talo, ngayon ang Adelaide.

Pinangunahan ni Daniel Johnson ang 36ers sa naipong 28 points, kabilang ang apat na tres, bukod pa ang pitong rebounds at apat na assists.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sa susunod na linggo, inaasahang sasali si Sotto sa Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Nakatakdang harapin ng Adelaide ang Perth Wildcats sa Sabado.