Matatalo kaya ng Meralco Bolts ang guest team na Bay Area Dragons sa kanilang paghaharap sa PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum nitong Biyernes ng hapon?

Sinabi Meralco coach Norman Black, inaasahang magpapakita ng lakas ang kanyang koponan laban sa Dragons dahil na rin sa pagdating ng bagong import na si KJ McDaniels.

Kung matalo ng Bolts, ito na ang ikalawang pagkakataong makatikim ng pagkabigo ang Bay Area matapos pataubin ng Barangay Ginebra, 111-93, nitong Oktubre 9.

Nabigo ang Bolts sa tatlong magkakasunod na laro kaya napilitan silang kunin ang serbisyo ni McDaniels.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Si McDaniels ay naging import ng NLEX Road Warriors sa nakaraang 2021 PBA Governor's Cup.

Dahil dito, umaasa si Black na makakausadsila sa playoff.

Natalo ng Rain or Shine ang Meralco, 113-96, sa huling laro ng una, nitong Oktubre 22.

Despite the adversity, we will go into the game against Bay Area fighting to stay alive," ayon kay Black sa isang panayam sa telebisyon.

"The matchup versus Bay Area will be tough, especially since (Cliff) Hodge will be out with an ankle sprain and (Chris) Newsome is still out with his calf injury," sabi pa ni Black.

Isa sa naging biktima ng Dragons ang Terrafirma Dyip, 130-76, nitong Oktubre 21.