Anim na miyembro ng pamilya, kabilang ang apat na menor de edad, ang namatay matapos silang makulong sa nasusunog na bahay sa Navotas City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang mga nasawi ay nakilalang sina Donsito Boiser, 41, Reynosa Muscoso, 41, Raymond Boiser, 10, Arriana Boiser, 3, Reinna Boiser, 2, at Natalia Boiser, 14.

Sinabi ng BFP, ang insidente ay naganap sa Area 5, Barangay Dagat-Dagatan, dakong 5:21 ng madaling araw.

Umabot sa unang alarma ang sunog na tumagal lamang ng 23 minuto, ayon sa BFP.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at halaga ng natupok na ari-arian.