Winasak na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga baryang pinutol at hindi angkop na gamitin upang hindi na kumalat.

Sa pahayag ng BSP, ang pagsira sa mga unfit, demonetized, mutilated and counterfeit (UDMC) coins ay isinagawa nitong Setyembre at Oktubre upang mapanatili ang integridad ng pera ng Pilipinas.

Umabot na sa519.93 metriko toneladang UDMC ang iniretiro na ng BSP ngayong taon.

Sa ilalim ng batas, dapat nang sirain ng BSP ang lahat ng perang papel at barya na natuklasangsinira o pinutol, kabilang na ang mga pinekeng salapi.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

"This will ensure that only fit and legal tender banknotes and coins are circulated and used to purchase goods and services," sabi ng BSP.

Kaugnay nito, umapela rin ang BSP sa publiko na huwag itago ang mga barya upang magamit na pambayad.