Pauutanginat aayudahan ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng bagyong Paeng.

Sinabi ng DA, mayroong naghihintay na libreng punla at fingerlings sa mga magsasaka at mangingisda upang magamit sa kanilang pagbangon sa pagtama ng bagyo sa bansa kamakailan.

Nilinaw ng ahensya, may nakalaang quick response fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Bukod dito, maaari ring mangutang ang mga ito ng₱25,000 nang walang interes sa alinsunod na rin sa Survival and Recovery Loan Program.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa datos ng DA, aabot sa 53,000 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng nakaraang kalamidad.