Masayang ibinahagi ng kauna-unahang grand winner ng The Clash na si Golden Cañedo ang bagong milestone sa kaniyang academic career.

Noong Okt. 8, unang ibinahagi ng Kapuso singer ang pictorial pa lang noon para sa capping and pinning ceremony nilang aspiring nurses.

View this post on Instagram

A post shared by Golden Canedo (@thegoldencanedo)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang 20-anyos na si Golden ay nagpursige ng Bachelor of Nursing sa University of Visayas.

Ito rin, ayon sa fans, ang naging dahilan ng kaniyang pag-alis muna sa GMA-7 at sa musical variety show na All-Out Sundays.

Kaya noong Biyernes, Okt. 28, masaya at proud na ibinahagi ng singer ang bago niyang achievement.

“I still cannot believe I have made it this far. I know what awaits me is a long journey to success, but I'm willing to continue as God and those who are supporting me will always be by my side, no matter what,” mababasa sa IG post ni Golden.

“SN [student nurse] now for RN [registered nurse] puhon,” dagdag niya.

Todo-cheer naman ang fans ng Kapuso singer.

Maging ang OPM icon na si Carol Banawa na nagsilbi ring frontliner sa Amerika noong kasagsagan ng Covid-19 outbreak ay nagbigay inspirasyon din sa aspiring nurse.

“Kayang-kaya ❤️ You got this! You’re Golden 🥴♥️” komento ng singer.

Noong 2018 nang tanghaling first-ever The Clash champion si Golden ng Kapuso Network.