CAMP GENERAL FRANCISCO S. MACABULOS, Tarlac City -- Inaresto ng pulisya ang apat na lalaki na sangkot umano sa gang rape sa Brgy. Guiteb, Ramos, Tarlac, noong Lunes, Oktubre 31.

Sa ulat ni Mayor Elany Vallangca, Chief of Police ng Ramos PNP, sinabing nag-inuman ang babaeng biktima at mga suspek dakong alas-9 ng gabi noong Linggo, Oktubre 30.

Gayunman, pinagsamantalahan umano ng mga suspek ang biktima nang malasing ito. Dinala umano siya ng mga suspek sa isang palayan sa Brgy. Guiteb, Ramos kung saan nagsalitan ang mga ito sa pangmomolestiya sa biktima.

Matapos magawa ang krimen, ibinaba umano ng mga suspek ang biktima sa isang lugar sa Gerona, Tarlac.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nadakip naman ng Ramos PNP ang mga suspek sa hot pursuit. Inihahanda na ngayon ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.