Kahit hindi pa lumalabas ng bansa ang bagyong Paeng, isa pang bagyo ang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) nitong Lunes.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 5:00 ng madaling araw nang pumasok sa Pilipinas ang bagyong Queenie.
Ito na ang ika-17 bagyong pumasok sa PAR ngayong 2022.
Huling namataan ang ikalawang bagyo malapit sa Palau Island sa Cagayan.
Sinabi ng PAGASA, palayo pa lang ng bansa ang bagyong Paeng na huling namataan sa 320 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Iba, Zambales 340 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Sa kabila nito, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging 85 kilometer per hour (kph) at busgong hanggang 105 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Nasa Signal No. 1 pa rin ang 20 na lugar sa bansa, kabilang ang Ilocos Norte at Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, western portion ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Lasam, Santo Niño, Piat, Tuao, Rizal), western portion ng Isabela (Cordon, City of Santiago, San Mateo, Ramon, Alicia, San Isidro, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan), northwestern portion ng Quirino (Cabarroguis, Diffun, Saguday), northern, western, at southern portions ng Nueva Ecija (Cuyapo, City of Gapan, Talavera, San Leonardo, Santo Domingo, Rizal, San Isidro, Zaragoza, Llanera, Guimba, Aliaga, Science City of Muñoz, General Mamerto Natividad, Cabanatuan City, Carranglan, Quezon, San Antonio, San Jose City, Santa Rosa, Lupao, Nampicuan, Talugtug, Peñaranda, Jaen, Licab, Cabiao, Pantabangan), Pampanga, Bataan, Tarlac, Zambales, at western portion ng Bulacan (Hagonoy, Paombong, City of Malolos, Guiguinto, Calumpit, Pulilan, Plaridel, Baliuag, Bustos, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael).
Inaasahan ang matinding pag-ulan sa Batanes, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, at sa Calamian at Cuyo Islands, ayon sa PAGASA.
Kung hindi magbabago ang direksyon, lalabas ng bansa anng bagyong Paeng nitong Lunes ng umaga o hapon.