Naubusan ng lakas ang Adelaide 36ers nang matalo sila sa overtime laban sa South East Melbourne, 98-103, sa 2022-2023 National Basketball League season sa John Cain Arena sa Melbourne, Victoria, Australia nitong Linggo kung saan naka-2 points lang si 7'2" center Kai Sotto.

Naging limitado lamang ang playing time ni Sotto na walong minuto lang pinaglarokung saan niya nakolekta ang dalawang puntos, limang rebounds, isang steal at isang block.

Nangyari ang pagkatalo ng Adelaide dalawang araw matapos nilang pulbusin ang New Zealand kung saan pumuntos si Sotto ng 16.

Nabigyan pa ng pagkakataon ang Adelaide na manalo nang ipuwersa ng kakampingsi Craig Randall ang dalawang puntos upang dalhin sa OT ang laro.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Hindi na ginamit si Sotto sa fourth quarter at sa overtime period.

Gayunman, humakot pa rin si Randall ng 38 puntos habang si DanielJohnson ay nakaipon ng 16 puntos at walong rebounds. Kumamada naman ng 13 ang isa pang kakampi ni Sotto na si Anthony Drmic.

Pinamunuan naman niTrey Kell III ang Melbourne sa nakuhang24 puntos, limang rebounds, apat na assists, at isang steal.

Nalaglag sa 2-3 kartada ng Adelaide na sasagupain ang Illawarra sa Huwebes.