Matapos humingi ng tawad sa kapwa vloggers, celebrities, at followers na nadamay sa gusot nila ng dating kaibigan at "ina-inahang" si Wilbert Tolentino, muling nilinaw ni Zeinab Harake na hindi si Wilbert ang kaniyang pinatututsadahan sa cryptic Facebook post niya noong Oktubre 13, na siyang nagpasiklab sa talent manager-vlogger na ilabas ang kaniyang "Rebelasyon" video.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/">https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/

Nanawagan din ang isa sa mga alagang talent ni Wilbert na si Madam Inutz kay Zeinab, na pangalanan na niya o tukuyin kung sinuman ang pinariringgan nito. Wala naman daw kasi silang alam na ibang "bading na inay-inay" ni Z kundi si Wilbert, batay na rin sa tinukoy niya sa kaniyang parinig FB post.

Sa kaniyang panibagong Facebook post nitong Martes, Oktubre 25, muling nilinaw ni Zeinab na hindi nga si Wilbert ang kaniyang pinasasaringan.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

"About this post kung san nagsimula para malinaw na."

"May mga taong pumasok sa buhay ko lately na may nagawang di maganda at talagang nasaktan ako ng sobra (LEGIT) ako naman mas pinili kong maging private yung ibang personal issues ko last time kaya wala akong naishare pero alam ng lahat ng tao sa paligid ko kung anong nangyayare sakin off cam, at dahil hindi ko na kayang laruin na lang ako palagi ng mga taong nakikilala ako napa post ako ng ganito, in general sana at sempre galing sa experience idea's ko dahil ayun yung naramdaman ko nung oras na yun."

"Hindi para patamaan ko si Wilbert Tolentino sa post na to sinubukan ko makipag usap in private but nangyare na ang hindi dapat mangyare. Kaya kung hindi kaya maayos in private dito ko na gagawin. hindi magandang nag kagulo online dahil sa naging alitan natin di magandang nakadamay ng mga taong may sariling imahe at tahimik na buhay. kung sa tingin mo naging masamang kaibigan o tao ako at may mali ako sa lahat ng nangyare satin pasensya kana at gusto ko na lang din mag kapatawaran tayo kahit sa puso't isip na lang natin. hindi ka naging user dahil naging beneficial naman tayo sa isa't isa hindi ko intensyon sirain ang pangalan mo walang ganun at never kitang ipapahiya at paparinggan dahil minahal naman talaga kita as kaibigan/mamshie ko."

"Kaya ngayon para malinaw sa mga tao ito po talaga yung totoo may sariling buhay nako sana wag nyo na sila iconnect palagi sakin dahil hindi lahat ng post ko ay patungkol sa kanila."

"Again i'm sorry."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o komento tungkol dito si Wilbert Tolentino.