QUEZON - Patay ang isang 11-anyos na lalaki matapos makulong habang tinutupok ng apoy ang kanilang bahay sa University Site Village, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Alfredo Reniya, taga-nasabi ring lugar.'

Sa pahayag ngBureau of Fire Protection (BFP), kaagad silang nagresponde matapos matanggap ang impormasyong nasusunog ang bahay ng isang Teresa de Vera.

Nang maapula ang sunog, hinanap na ng mga kaanak si Reniya hanggang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng bahay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nagsagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng insidente at halaga ng naabong ari-arian.

ReplyForward