April 22, 2026

Home BALITA National

DepEd, paiigtingin Special Education Fund

DepEd, paiigtingin Special Education Fund
Photo Courtesy: via MB

Palalakasin pang lalo ng Department of Education (DepEd) ang Special Education Fund (SEF) para sa mga karagdagang pasilidad at classroom.

Ang SEF ay pondong galing sa karagdagang 1% tax sa real property na sinisingal ng mga lokal na pamahalaan. Idinisenyo ito upang magkaroon ang mga siyudad at munisipalidad ng kakayahang makapagbigay ng tulong pinansiya sa mga paaralan.

Kaya sa pulong ng DepEd Management Committee (ManCom) nitong Lunes, Abril 20, iginiit ni DepEd Sec. Sonny Angara na unahin ang tamang paggamit ng SEF.

Ito ay upang matiyak umano na ang bawat pisong buwis na kinokolekta sa bawat lungsod at bayan ay maramdaman mismo sa loob ng silid-aralan.

“Mahigpit nating sinusunod ang mga bagong pamantayang ito upang matupad ang pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na i-modernisa ang ating mga paaralan at suportahan ang ating mga guro at mga mag-aaral,” saad ni Angara.

National

Justice Secretary Vida, nakatakdang lumipad sa Czech sa Abril 23!

Dagdag pa niya, “Sa pamamagitan ng pag-maximize sa mga lokal na pondong ito, masisiguro natin na walang komunidad ang mapag-iiwanan sa ating hangarin para sa de-kalidad na edukasyon.”

Ayon sa ahensya, nakatuntong ang hakbang na ito sa sa pagpapatupad ng Joint Circular No. 01, s. 2025, na nilagdaan ng DepEd, Department of Budget and Management (DBM), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Finance (DOF).