Isa sa mga nadawit sa bardagulang Wilbert Tolentino at Zeinab Harake ay ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo, kung saan, isiniwalat ng talent manager na sinabihan daw siya ni Zeinab na 'wag makikipag-collab dito dahil walang "market value", ayon sa inilabas na resibo ng una sa kaniyang "Ang Rebelasyon" video.

"Wag yung Robi Domingo ha. Walang market dun maloka ka dun shhh lang," sey umano ni Zeinab.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/walang-market-robi-domingo-nagsalita-na-sa-sinabi-umano-ni-zeinab-tungkol-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/10/24/walang-market-robi-domingo-nagsalita-na-sa-sinabi-umano-ni-zeinab-tungkol-sa-kaniya/

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Robi at napa-react na lamang sa pamamagitan ng tweet.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Oh wow. How true?," aniya noong Linggo, Oktubre 23.

https://twitter.com/robertmarion/status/1584189500258861056

Trending topic tuloy si Robi dahil sa naging rebelasyon ni Wilbert. Umani ito ng mga reaksiyon mula sa mga netizen. Kaugnay nito, humingi na rin daw ng tawad si Zeinab sa mga artists at vloggers na nabanggit sa rebelasyon ni Wilbert.

Sa panibagong tweet nitong Lunes, Oktubre 24, tila pinasinungalingan ng TV host ang sinabi sa kaniya ni Zeinab na wala siyang market. Ibinahagi niya ang litrato ng isang palengke na may nakalagay na "Robi Domingo Public Market".

"Akala mo lang wala, pero MERON, MERON, MERON!" pabirong caption ni Robi sa kaniyang tweet.

https://twitter.com/robertmarion/status/1584458267169693697

Narito ang kuwelang reaksiyon ng mga netizen:

"Hahhahahahahha may market nga naman talaga!"

"Meron naman palang market si Robi eh, talaga to si Z hahahhahahahaha."

"Substance…substance…substance…that's Robi @robertmarion (heart emojis) no need to prove…kasi proven na yan! superbait pa even his family."

"Mabuti pa yung market mo, it's a commodity that everyone needs. Yung isa ewan ko na lang, walang sustansya sa market niya."

"Robi always gives as quality and substantial contents. Wag na ipilit ang market na yan. Pera pera lang. Wala namang matutunan. Basta Robi you are a gem in the industry."

Sa kabilang banda, may mga netizen din na tila ba nag-"real talk" sa kaniya.

"Just checked Robi's YT, wala naman talagang market sa totoo lang. I don't get why people are getting upset w/ the truth."

"Ibig niya sabihin siguro sa walang market, pagdating sa vlogs, iba kasi ang YouTuber sa artist, iba rin hatak ng artist sa YouTuber, depende na lang kung kasing awra ni VICE GANDA or IVANA ALAWI. Sa artist may market ka, pero sa YouTuber siguro wala ka mahahakot."

"Sa vlog ang tinutukoy niya haaaaay nakuuuuuu. Sobrang sensitive mo naman."