Isang retiradong heneral ng militar ang itinalaga ng Malacañang bilang deputy commissioner ng Bureau of Customs (BOC).

Nitong Oktubre 17 pa inilabas ng Malacañang appointment letter ni retired Major General Juvymax Uy.

Mismong si Executive Secretary Lucas Bersamin ang nagpanumpa kay Uy sa kanyang tungkulin nitong Oktubre 20.

Dati ring naging commander ng6th Infantry "Kampilan" Division ng Philippine Army (PA) si Uy.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Pinangunahan din ni Uy ang paglansag sa grupo ng mga terorista sa Central Mindanao.

Si Uy ay nagtapos saPhilippine Military Academy (PMA) "Makatao” Class of 1989.