Suspendido pa rin ang operasyon ngMactan-Cebu International Airport (MCIA) matapos sumadsad ang Korean Air plane nitong Linggo ng gabi dahil sa sama ng panahon.

“We confirm that at 11:11pm on 23 October Sunday, Korean Air flight no. KE631 from Incheon, South Korea overshot the runway in a landing attempt during heavy rains at the MCIA.No one was hurt during the incident. All 162 passengers and 11 crew onboard the A330 aircraft were immediately evacuated and tended to by airport emergency personnel,” ayon sa pahayag ng pamunuan ng MCIA nitong Lunes.

Nitong Lunes, sarado pa rin ang paliparan at sinuspindi na rin ang operasyon nito dahil sa insidente.

“The incident has necessitated the temporary closure of the MCIA runway to allow for the safe removal of the aircraft. For now, all international and domestic flights to and from MCIA are canceled until further notice,” paliwanag ng MCIA.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Naiulat na na-divert ang ilang flight saMactan-Cebu airport, kabilang na rin ang PR 1869 na galing Manila patungong Cebu at AirAsia 329047 na galing Incheon papuntang Cebu.

“We are working with Korean Air, the Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA), and the Civil Authority of the Philippines (CAAP) for the swift resolution of this matter,” sabi pa ng MCIA.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Korean Air at nangakong iimbestigahan ang insidente.

Nauna nang naiulat na nakaranas ng malakas na pag-ulan sa lugar nang maganap ang insidente.

ReplyForward