Hindi na nalutas ang kasong pamamaslang kay hard-hitting broadcaster Percival "Percy Lapid" Mabasa.

Ito ang binigyang-diin ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. sa isinagawang press conference sa Camp Crame nitong Lunes.

Paglilinaw nito, hindi pa nila natukoy kung sino ang nag-utos na paslangin si Mabasa.

“Hindi pa natin masasabi na solved na, although, we have filed the cases already initially against kay Mr. (Joel) Escorial and 'yung mga kasamahan niya,” pagdadahilan ni Azurin.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

"Because we have yet to determine nga saan nanggaling, kung totoong may mastermind, saan ba nanggaling 'yungutos," pagpapatuloy ng opisyal.

Ang reaksyon ni Azurin ay salungat sa naunang pahayag niSouthern Police District (SPD) director Police Brig. Gen. Kirby John Kraft na nalutas na nila ang kaso dahil nakilala at nakasuhanna ang mga suspek.

Gayunman, nilinaw ni Kraft na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso.

Ipinunto naman ni Azurin, inaalam pa nila ngayon kung ang mastermind lamang kausap ng dalawang umano'y "middleman" sa pagpaslang sa mamamahayag.

Kamakailan, inamin ni Joel Escorial na siya ang bumaril kay Mabasa at sinabi nito na inutusan sila isang umano'y "middleman" na nakakulong sa National Bilibid Prison (NBP) na isagawa ang pagpatay.

Nitong Oktubre 18, iniharap sa publiko si Escorial at matapos ang apat na oras ang namatay ang sinasabi niyang "middleman" na si Crisanto Villamor, Jr.. matapos umanong "mawalan ng malay" sa loob ng piitan.