Isa pang mananaya ang naisama sa listahan ng multi-millionaire matapos manalo ng₱35 milyong jackpot sa isinagawang Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ng PCSO, nahulaan ng nasabing mananaya ang winning combination na44-50-07-52-46-36na may premyong₱35,410,477.80.

Naiulat na nabili ang winning ticket sa Tacloban City sa Leyte.

Aabot naman sa 239 bettors ang nanalo ng ₱100,000 sa nasabi ring draw.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi naman tinamaan ang jackpot ng Lotto 6/42 draw na aabot sa₱21,034,188.

Ang winning combination nito ay34-20-31-39-22-03.

Pinayuhan ng PCSO ang mga nanalo na magtungo na lang sa kanilang main office sa Mandaluyong City upang makubra ang premyo, at dalhin lang ang winning tickets at dalawang valid ID cards.

Luisa K. Cabato at Mary Ann Santiago