Nalutas na umano ng pulisya ang kontrobersyal na kasong pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid (Percival Mabasa).

Ito ang isinapubliko ni Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Kirby John Kraft na siya ring namumuno saSpecial Investigation Task Force na nag-iimbestiga sa kaso.

Pinagbatayan ni Kraft ang pagtukoy at pagkakadakip ng mga suspek sa krimen.

Gayunman, patuloy pa rin aniya ang kanilang imbestigasyon sa ikatutukoy ng mastermind o nasa likod ng pagkakapatay kay Lapid.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

“Actually, nalutas na po natin ito dahil meron na tayong na-identify na mga suspek at meron na rin tayong nasa kustodiya natin, at higit sa lahat, na-file na natin ang kaso. Ito nga lang po, tinutuloy-tuloy pa rin natin ang imbestigasyon nito,” banggit nito nang kapanayamin sa telebisyon.

Kabilang aniya sa kanilang sinisiyasat ang programa sa radyo ni Lapid mula 2021 hanggang 2022.

Bukod dito, nakipagtulunganna rin aniya ang pulisya sa ama ng namatay na umano'y "middleman" sa pagpatay kay Lapid, na si Crisanto Villamor, Jr..

Nitong Sabado, isinapubliko ng National Bureau of Investigation na namatay si Villamor "dahil sa pagdurugo ng kanyang puso."

Si Villamor ay una nang ibinunyag ni self-confessed gunman Joel Escorial na umano'y "middleman" na nag-utos sa kanilang grupo upang paslangin si Lapid.

“Sa panahong ito, bilang imbestigador, nakatutok pa rin tayo doon sa sinasabi ng ating gunman. ‘Yun pa rin po ‘yung tinututukan natin para malaman natin kung sino talaga,” sabi pa ni Kraft.

Binabantayan pa rin ngayon ng mga awtoridad ang ikalawang umano'y "middleman" sa kaso na si Christopher Bacoto na nakakulong sa detention facility ngBureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa ibang kaso.

Matatandaang napatay si Lapid matapos pagbabarilin habang sakay ng kanyang kotse sa labas ng gate ng BF Resort Village, Las Piñas City nitong Oktubre 3