Iniimbestigahan na ng pulisya ang pahayag ng self-confessed gunman na si Joel Escorial na kino-contact siya ng dalawang "middleman" sa pamamagitan ng cellphone sa loob ng kani-kanilang kulungan, upang ipapatay si hard-hitting broadcaster Percival "Percy Lapid" Mabasa.

Sinabi ni Southern Police District Brig. Gen. Kerby Kraft na siya ring pinuno ng Special Investigation Task Group, aalamin nila kung paano nakalulusot sa National Bilibid Prison (NBP) at sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang isang uri ng gadget, katulad ng ginamit ng umano'y "middleman" na si Jun Globa Villamor.

Naiulat ng pulisya, ang ikalawang "middleman" na nakapiit sa BJMP detention facility ay gumagamit din ng cellphone para kontakin ang grupo ni Escorial upang ipapatay si Mabasa.

"Ayon sa ating gunman, kinontact siya nito para isagawa 'yung pagpatay kay Ka Percy," pahayag ni Kraft.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Matatandaangnamatay si Villamor sa NBP Hospital nitong Oktubre 18 ng hapon o apat na oras matapos iharap sa mga mamamahayag si Escorial.

Inamin ni Escorial na kasama si Villamor sa mga "middleman" na nag-utos sa kanya na isagawa ang krimen.

Nitong Oktubre 3 ng gabi, pinagbabaril si Mabasa habang kanyang kotse sa BF Resort Village sa Las Piñas City.