Inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong 'Obet' sa Sabado, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo 555 kilometro silangan ng Basco, Batanes, taglay ang hanging 45 kilometer per hour (kph) at bugso na 55 kph.

Nasa Signal No. 1 pa rin ang Batanes, Babuyan Islands, at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana at Gonzaga).Binalaan ang mga residente dahil sa susunod na 36 oras ay mararamdamang lakas ng hanging mula 39 hanggang 61 kph.

Inaasahan din ang malakas na pag-ulan sa Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands at Apayao, at Batanes sa Sabado, Oktubre 21.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Sa pagtaya ng ahensya, posibleng tahakin ng bagyo ang Babuyan Islands-Batanes nitong Sabado ng umaga.

"Obet is forecast to gradually intensify and may reach tropical storm category tomorrow evening or on Saturday early morning (i.e., during its passage over extreme northern Luzon). Further intensification is likely once Obet reaches the West Philippine Sea," ayon pa sa abiso ng PAGASA nitong Huwebes