Nagpahayag din si dating Comelec commissioner Rowena Guanzon hinggil sa kinokonsiderang ipagbawal ang pagpapalabas ng Korean dramas sa Pilipinas.

"What? ban Korean telserye? Aba marami kayong kaaway dyan, pati ako," ani Guanzon sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules, Oktubre 19.

"The Extraordinary Atty Woo is my fave," dagdag pa niya.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1582566453278306304

Matatandaang naunang sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na kinokonsidera niyang ipagbawal ang pagpapalabas ng Korean dramas sa Pilipinas.

Dahil masyado na raw tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga KDrama at hindi na pinapansin ang mga likhang Pinoy.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/

Gayunman, nilinaw na ng senador ang kaniyang naging mga pahayag, sa pamamagitan ng panayam ng isang programang panradyo. Nasabi aniya ito dahil “out of frustration."

“Kaugnay sa aking pahayag kahapon sa mga foreign-made shows, my statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the moviegoing public,” aniya sa isang pahayag.

“Wala po akong balak i-ban. That was said out of frustration. Gusto ko talaga Filipino first,” paglilinaw niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/20/sen-estrada-nilinaw-ang-pahayag-tungkol-sa-banning-ng-k-dramas-foreign-shows-sa-pinas/