July 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Bahay ni Torre, binaha: 'Maraming pamilya sa Davao City paulit-ulit na nalulubog sa baha taon-taon!'

Bahay ni Torre, binaha: 'Maraming pamilya sa Davao City paulit-ulit na nalulubog sa baha taon-taon!'
Photo courtesy: Nicolas Torre III (FB)

Naglabas ng saloobin si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III kaugnay ng muling pagbaha sa ilang bahagi ng Davao City nitong Hulyo 25, matapos maapektuhan maging ang sarili niyang bahay.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Torre ang larawan ng kanilang bahay sa NHA Bangkal, Barangay Talomo, Davao City, at nilinaw na nakapangalan sa kaniya at sa kaniyang asawa ang titulo nito.

Dahil dito, iginiit niyang bilang residente ng lungsod ay may karapatan siyang magtanong kung bakit paulit-ulit pa ring binabaha ang kanilang lugar.

Ayon kay Torre, hindi ito ang unang pagkakataong nalubog sa baha ang kanilang bahay, ngunit noon ay pinili niyang huwag itong ipaskil sa social media upang hindi umano malagyan ng kulay pulitika ang isyu. Gayunman, sinabi niyang dumating na ang panahon upang itanong kung bakit patuloy pa ring nararanasan ng maraming Davaoeño ang parehong suliranin taon-taon.

"Hindi ito ang unang beses na binaha ang bahay na iyan. Hindi lang ako nagpo-post dahil ayaw kong makulayan ng pulitika.

Probinsya

Tatay at kapatid, rumesbak sa away ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan!

Pero darating talaga ang panahon na kailangan nang itanong kung bakit paulit-ulit pa rin itong nangyayari," aniya sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Hulyo 25.

"Alam kong hindi lang kami ang dumaranas nito. Maraming pamilya sa Davao City ang paulit-ulit na nalulubog sa baha taon-taon."

Binanggit din ng MMDA official na nauunawaan niyang may mga nagsasabing normal ang pagbaha sa Davao City dahil sa mountain runoff at pagiging catch basin ng lungsod. Ngunit aniya, matagal nang alam ang kondisyong ito kaya dapat ay mayroon na ring epektibong solusyon.

Iginiit pa niya na ang layunin ng mga flood control project ay hindi upang pigilan ang pag-ulan, kundi upang hindi na umabot sa loob ng mga bahay ang baha.

Dahil dito, diretsahan niyang tinanong kung epektibo nga ba ang kasalukuyang flood control system kung patuloy pa ring nalulubog sa baha ang maraming komunidad.

"Marami ang nagsasabing normal lang daw ito dahil sa mountain runoff at catch basin ang Davao City. Maaaring totoo iyon.

Pero hindi naman bago ang bundok. Hindi rin bago ang ulan."

"Kung alam na pala natin ang problema, mas lalo dapat alam na rin natin ang solusyon."

"Kaya nga tayo gumagastos ng bilyon-bilyong piso sa flood control dahil alam nating may mountain runoff, may malalakas na ulan, at may mga lugar na madaling bahain."

"Ang flood control ay hindi para pigilan ang ulan."

"Ang flood control ay para hindi umabot sa loob ng bahay ng tao ang baha."

"Bilang residente ng Davao City, hindi ako naghahanap ng palusot. Ang hinihingi ko ay resulta," ani Torre.

Idinagdag pa niya na hindi umano dapat sinusukat ang tagumpay ng flood control sa dami ng mga proyektong naipatupad, kundi sa dami ng mga pamilyang hindi na nakararanas ng pagbaha tuwing may malalakas na pag-ulan.

"Kaya ang tanong ko ay simple: Kung ganito pa rin ang nangyayari, gumagana ba talaga ang sistema?"

"Bilang residente ng Davao City, hindi ako naghahanap ng palusot. Ang hinihingi ko ay resulta."

"Hindi ang dami ng proyekto ang sukatan ng flood control. Ang sukatan ay kung ilan ang pamilyang hindi na binabaha," aniya pa.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag tungkol dito si Davao 1st District Rep. Paolo "Pulong" Duterte, bagama't iginiit niya sa panayam at opisyal na pahayag na walang ghost projects ng flood control sa nabanggit na lungsod, matapos siyang kalampagin ni House Deputy Minority Leader Antonio Tinio tungkol dito. Wala pa ring reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte tungkol dito.

Maki-Balita: Pulong, umalma sa plano ni Tinio masilip ‘red flag’ flood control projects sa Davao