Nabuo na bilang ika-15 na bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Northern Luzon nitong Lunes ng madaling araw.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 2:00 ng madaling araw nang maging ganap na bagyong 'Obet' ang nabanggit na LPA.
Huling namataan ang bagyo1,045 kilometro silangan ng dulong northern Luzon, taglay ang hanging 45 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at bugsonghanggang 55 kph.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kph, ayon sa PAGASA.
Paglilinaw ng PAGASA, wala pang ipinaiiral na babala ng bagyo habang isinusulat ang balitang ito.
Gayunman, makararanas ng malakas napag-ulan saBatanes, Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands, Ilocos Norte at Apayao.
Inalerto rin ng ahensya ang mga residente sa mga naturang lugar dahil sa inaasahang flash flood at landslide.
"In the next 24 hours, the combined effects of the surge of northeasterly surface wind flow and the approaching tropical cyclone may also bring moderate to rough seas over the seaboards of Central Luzon and the western and eastern seaboards of Southern Luzon," ayon sa PAGASA.
"Obet is forecast gradually intensify by mid Friday as it tracks closer to extreme Northern Luzon and may reach tropical storm category by late Friday or early Saturday. Further intensification is likely once 'Obet' reaches the West Philippine Sea," sabi pa ng ahensya.