REAL, Quezon — Ninakawan ng mga hindi pa kilalang salarin, lulan ng isang Sport Utility Vehicle (SUV), ang isang tindahan ng electronic gadgets at natangay ang nasa P620,000 halaga ng cellular phone, tablet, money tray at vault nitong Martes, Oktubre 18, sa Purok Dapo, Brgy. Poblacion dito.

Kinilala ng pulisya ang may-ari ng tindahan ng Power Click Gadgets na si Andrew Chan, residente ng Poblacion Uno.

Ayon kay Chan, nangyari ang insidente ng pagnanakaw sa pagitan ng 1:11 a.m. hanggang 3:26 a.m. noong Martes.

Sa imbestigasyon ng pulisya, winasak ng mga suspek ang roll up door lock bracket ng front door ng tindahan at nang makapasok ay nilimas ang 10 Realme phone, 26 Samsung phones, tatlong tablet, money tray, at vault na may P20,000 cash sa loob. 

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Umaabot sa P620,000 ang kabuuang halaga ng mga nanakaw.

Ayon sa ulat, tumakas ang mga suspek sakay ng Toyota Rav-4 na kulay pula na may plate number na USG971 patungo sa direksyon ng Famy, Laguna.

Nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation ng Real PNP at humingi ng tulong sa Laguna Provincial Forensic Unit para sa field investigation.