Tatlo kilo lang ng asukal kada mamimili ang iniaalok ngayon ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa pahayag ng SRA, nasa₱70 kada kilong puting asukal ang maaaring bilhin ng bawat mamimili sa central office nito sa North Avenue sa Quezon City.

Layunin ng SRA na paramihin pa ang mga Pinoy na makikinabang sa abot-kayang presyo ng naturang produkto.

Inililista umano ng tanggapan ang pangalan ng lahat ng mga namimili para maiwasan ang paulit-ulit at sobra sobrang pagbili ng asukal.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Kaugnay nito, ipinaalala ng SRA sa publiko na para lamang ito sa pang-araw-araw na pangangailangan at hindi pang-negosyo.

Umapela rin ang SRA na dapat ay tangkilikin ang kanilang iniaalok dahil bukod sa abot-kayang presyo ay gawa pa ito sa Pilipinas at hindi inangkat.

Maaaring mamili ng asukal sa SRA building mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.