Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Neneng nitong Linggo ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 8:00 ng gabi nang makita ang mata ng bagyo sa labas ng Pilipinas.

Sa kabila nito, nakataas pa rin sa Signal No. 2 ang Batanes, western portion ng Babuyan Islands, at northwestern portion ng Ilocos Norte.

Tinatahak na ng bagyo ang kanlurang hilaga ng West Philippine Sea hanggang Lunes ng umaga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang naturang bagyo ay nag-iwan ng matinding baha sa ilang lugar sa northern Luzon at ikinaputol din ng suplay ng kuryente.

ReplyForward