Nagbanta ang National Power Corporation (Napocor) na mawawalan ng suplay ng kuryente sa susunod na taon kung hindi dagdagan ang kanilang budget.

Paliwanag ni Jenalyn Tinonas, ng financial planning, budget, and program review division ng Napocor, sa pagdinig sa Senado nitong Biyernes, makatatanggap lang sila ng P32.2 bilyong budget para sa 2023, mas mababa kumpara sa hinihilling nila sa Department of Budget and Management (DBM).

“There might be a shutdown of 278 existing plants by the end of July 2023 because the budget for our diesel fuel will only cover January to July 2023 operations,” sabi nito sa isinagawang budget hearing sa Senado.

“There will be a deferment of scheduled energization of 44 new unserved areas, affecting 15 areas in Luzon, 14 in Visayas, and 15 in Mindanao,” anito.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Aabot naman sa1.3 million pamilya ang maapektuhan ng power outage na dulot ng pagsasara ng mga power plants.