Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang tila "bardagulang" naganap sa pagitan ng aktres na sina Chie Filomeno at social media personality na si Valentine Rosales noong Huwebes, Oktubre 6.

Ang ugat nito ay nang magkomento si Valentine sa post ng Manila Bulletin, tungkol sa "pak na pak" na photo ni Chie sa kaniyang driver's license.

"Kala ko si Ano…" saad ng social media personality.

Hindi naman ito nakaligtas sa kaalaman ni Chie at agad na nagpakawala ng reply.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"Alam mo tumigil ka ng clout chase ka. Let her rest in peace please."

Ang tinutukoy umano ni Chie, ayon sa mga netizen, ay ang namayapang flight attendant na si Christine Dacera noong 2021, sa unang araw pa mandin ng Enero, kung saan nasangkot ang pangalan ni Valentine at iba pang mga lalaking kaibigan.

Ngunit kaagad namang itinanggi ni Valentine kung sinuman ang nais patungkulan ni Chie.

"Haaa? Kala ko si Nadine! Ano ba sinasabi mo?" tugon ni Valentine. Ipinagpalagay naman ng mga netizen na ang tinutukoy niyang "Nadine" ay ang aktres na si Nadine Lustre.

"Galing mo talagang sinungaling no? Papalusot ka pa eh," hirit pa ni Chie.

Ngunit binalikan ni Valentine si Chie at sinita ang pagsusuot nito ng hikaw sa photo ng driver's license.

"Mas magaling ka padin naka pag earrings ka nga sa Pic Kahit bawal eh," ani Valentine.

Hindi naman siya inurungan ng aktres.

"Ayan na comeback mo? Sa passport BAWAL hikaw. Sa DL kaya wag lang sa lalaki."

Huling banat ni Valentine, "Iba talaga pag may special treatment congratulations! Drive safely."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/06/chie-filomeno-kay-valentine-rosales-alam-mo-tumigil-ka-ng-clout-chaser-ka/">https://balita.net.ph/2022/10/06/chie-filomeno-kay-valentine-rosales-alam-mo-tumigil-ka-ng-clout-chaser-ka/

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Kunyare ka pa tropa mo yung tinutukoy mo wag kame."

"Tama ka na accla, sana dalawin ka ng friend mo sa Nov. 1."

"Masyado kasing papansin. Baklang to, patahimikin mo na din yang buhay mo hindi yung puro ka pakikialam at pagpapasikat."

Samantala, bandang 6:59 ng gabi noong Oktubre 6 ay tila may parinig si Valentine sa kaniyang FB post.

"Sana all Assuming 🤭," aniya.

Wala naman siyang binanggit na partikular na pangalan kung para kanino ito.