Tila nagbalik sa moving on stage ang maraming fans ng noo’y power couple na sina James Reid at Nadine Lustre kasunod ng latest album na “Lovescene” na anang fans ay bukas na liham ng aktor para sa apat na taong relasyon nila ng aktres.

Mula mismo kay James ang “Lovescene” ay isang rekord tungkol sa isang relasyon na naging tampulan ng mata ng publiko.

“Lovescene is an album about being in a spotlight and how it affected past relationship,” pagbabahagi ni James sa naganap na listening party noong Huwebes, Oktubre 13.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

Bago at habang nasa romantic relationship ang dalawa, matatandaang isa sa pinakasikat na onscreen couple noon sina James at Nadine na bumida sa mga hit TV series kagaya ng “On The Wings of Love” at big screen projects kabilang ang “Diary ng Panget,” “This Time,” “Never Not Love You,” bukod sa maraming iba pa.

Bagaman isang kanta ang inamin mismo ng aktor na partikular na tungkol kay Nadine, matapos pakinggan ang album, tila hindi ito ang kaso para sa fans.

Basahin: Walang magmu-move on? Bagong kanta ni James, partikular na tungkol kay Nadine – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tampok sa brand new ten-track record ni James ang mga kantang “Cali Lovin,” “Fallin,” “Chasin,” “Always Been You,” Stay,” “Spotlight,” at “Bring Me Back.”

Naka-collaborate din ng Pinoy-Australian star sina Destiny Rogers sa kantang “Lie To Me,” at ang “The Rose” vocalist na si Woosung sa kantang “Hold On Tight.”

Sa likod ng kanta ang anang fans ay “confession” ng aktor para kay Nadine.

Nitong Biyernes, Oktubre 14, agad na nag-viral ang isang fan account ni James tampok ang ilan lang sa masasakit na bahagi ng mga kanta sa “Lovescene.”

Muling ikinalungkot ng maraming JaDine fans ang mga bagong kanta na anila’y mga napagtanto ng aktor kasunod ng pinag-usapang hiwalayan.

“I think only three songs are for Nadine😭- Spotlight,Stay, and Always Been You..the rest sounds like for a new girl😭. It’s like he’s found new love especially the bring me back, fallin, and all the rest. My JaDine heart is breaking. I didn’t cry when they announced their break up but now it feels different listening to his songs, it seems that he’s moved on too just like Nadine and soooo it only means it is really over!😭😭😭” teyorya ng isang fan.

“Tama na, ang sakit naaa!!”

“Sa totoo lang, nauuna magmove on babae. Late kasi talaga nagsisink in sa lalaki. Sa umpisa akala nila sila una nagmove on, nakahinga lang pala sila, pahinga lang pala need nila kaso late na nila yun narerealize, kapag nakamove on na si girl.”

“Hindi ako maka decide kung anong song pinaka masakit sa album. Parang Stay, parang Spotlight, lahat na lang kaya?”

Matatandaang Enero 2020 nang maghiwalay ang showbiz couple matapos ang kanilang apat na taong relasyon.

Matapos ang dalawang taon, napabalita naman ang bagong relasyon ni Nadine sa Filipino-French businessman na si Christopher Bariou nitong 2022.

Dalawang araw matapos ilabas ang brand new album, wala pang reaksyon ang aktres sa mga naturang kanta.