Usap-usapan ngayon ang pa-hashtag ng TV personality-model-businesswoman na si Maggie Wilson sa kaniyang cryptic post, na tila may kinalaman umano sa pinagdadaanan niya ngayon, partikular sa mga kinakaharap na kasong isinampa sa kaniya ng estranged husband na si Victor Consunji.

Ayon sa Instagram post ni Maggie nitong Biyernes, Oktubre 14, "If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women."

Ang hashtag niya rito ay " #small🍆issues".

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naintriga ang mga netizen sa kahulugan ng "eggplant emoji" sa kaniyang hashtag.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen:

" I have similar case with you when I took my son from my ex. Indeed your hashtag relates to them 👊🏻."

"When your billions 💲 can't buy you a big 🍆."

"Mapipikon na naman siya sa hashtag lol."

"True small 🍆?"

Samantala, hindi naman tinukoy ni Maggie kung tama ba ang mga "intriga" ng mga netizen sa comment section.

Matatandaang inamin mismo ni Maggie na kinasuhan siya ni Victor ng adultery kasama ang business partner na si Tim Connor.