Matapos magpakita ng lakas ang Ginebra San Miguel laban sa Bay Area Dragons kamakailan, bigla namang humina ang una matapos silang dispatsahin ngPhoenix Super LPG, 101-93, sa PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum nitong Biyernes ng gabi.

Nagkaisa ang mga baguhang sinaTyler Tio at Encho Serrano at mga beteranong sina RJ Jazul at Sean Anthony para sa 14-2 ratsada tungo sa 88-79 abante sa huling yugto ng laro laban sa Ginebra.

Si Jayvee Mocon ang nanguna sa Fuel Masters sa nakolektang 20 puntos, at 5 rebounds habang nagdagdag naman si Tio ng 17 puntos.

Sumuporta pa rin ang import ng Phoenix na si Kaleb Wesson sa nakuhang 15 puntos at 17 rebounds.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bago pa naiuwi ng Fuel Masters ang panalo, uminit ang ulo ni Ginebra import Justin Brownlee sa unang pagkakataon, nang sampalin umano ito ni Chris Lalata habang nagda-drive sa baseline.

Matapos ang girian, tinawagan ng technical foul ang magkabilang panig.

Nangako naman si Brownlee na hindi na mauulit ang insidente.