Tapatang naglabas ng saloobin ang South Korean singer at actress na si Sandara Park kung bakit matagal na siyang hindi nagkakaroon ng relasyon.

Ayon sa ulat ng Soompi mula sa panayam kay Sandara sa episode ng "Problem Child in House," sinabi nito na sinunod ng K-pop star ang lahat ng panuntunan sa pakikipag-date na ipinapatupad ng kanyang dating management agency.

Ani Sandara, nagkaroon siya ng 'good kid' complex, na kung sinabi ng management agency na bawal ang dating ay sinusunod niya ito.

"Even if men came to see me, I’d turn them away saying I’d get in trouble. I’d say, ‘I think there are paparazzi in front of my house’ but they all said that no one was paying attention to me. After that, I’ve dated face-to-face but no one believes me," anang singer-actress.

National

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla

Sinabi rin ni Sandara na isang dahilan kung bakit hindi siya kailanman nasangkot sa isang iskandalo sa pakikipag-date ay dahil makikipaghiwalay siya sa isang tao bago pa sila makuhanan ng mga larawan.

Ngunit sa ngayon, sinabi ni Park na handa na siya para sa isang pangmatagalang relasyon.

“Now, I want a long-term relationship. I’ve moved out on my own, my situation’s better, and I’ve become more mature," ani Sandara.

Noong 2009, nag-debut si Sandara bilang miyembro ng sikat na K-pop group na 2NE1.

Pagkatapos ng 2NE1, nanatiling aktibo si Park sa entertainment industry ng South Korea bilang host at aktres.