Pinag-iisipan ngayon ngDepartment of Agriculture (DA) na maglabas ngsuggested retail price (SRP) ng asukal dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito.
Sinabi ni DA spokesperson Kristine Evangelista, paplantsahinpa nila ang usapin ngayong linggo at posibleng maipatupad ito sa Nobyembre.
"Ang ating objective po ay not only to make the sugar available in the market but also to ensure na tama ang presyo," sabi ni Evangelista sa panayam sa telebisyon.
Payag naman angUnited Sugar Producers Federation sa hakbang ng DA.
"Okay naman, very agree ako diyan, para makinabang din ang ating consumers po. 'Yung local harvest natin rume-record, I think we're over 200,000 metric tons now na na-produce," ani Manuel Lamata, pangulo ng grupo.
Sa pag-iikot naman ng Sugar Regulatory Administration sa mga supermarket sa Metro Manila, nabisto nila na aabot sa P134 ang bawat kilo ng asukal.
Sa ilang wet market, aabot lang sa P100 ang per kilo ng refined sugar.