Isinailalim pa rin sa Signal No. 1 ang anim na lugar sa bansa dulot ng bagyong Maymay, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa abiso ng PAGASA, kabilang sa anim na lugar ang Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija at dulong northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta), kasama na ang Polillo Islands.

Nananatili pa rin ang lakas ng bagyo na nasa bahagi ng Philippine Sea, ayon sa ahensya.

Ang mga natukoy na lugar ay makararanas ng pag-ulan at hanging mula 39-61 kilometer per hour sa susunod na 36 oras.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

"Strong winds may be experienced within any of the areas where Wind Signal No. 1 is currently in effect," babala ng PAGASA.

Makararanas naman ng malakas na ulan angCagayan, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao ngayong Miyerkules.

"Under these conditions, scattered to widespread flooding and rain-induced landslides are expected especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps, and in localities with significant antecedent rainfall," sabi ng ahensya.

Huling namataan ang bagyo 310 kilometro silangan hilagang silangan ngBaler, Aurora o 245 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora, taglay ang hanging 45 kph malapit sa gitna at bugso nito na hanggang 55 kph.

Inaasahang babagal ang bagyo pa-kanluran timog kanluran at tatahakin din ang silangang bahagi ng karagatan ng Central Luzon at hihina habang papalapit sa kalupaan.

Kaugnay nito, isa ring bagyo ang namataan sa labas ng Philippine area of responsibility at ito ay kumikilos pa-hilagang kanluran habang napapanatiliang kanyang lakas.